top of page

Z, bakit Niya Ako Iniwan?

  • zanswers902280
  • Jul 6, 2019
  • 3 min read

Question No. 6: Bakit Niya Ako Iniwan?

"Okay naman kami eh. Masaya naman. Nagkakaproblema pero kinakaya namang ayusin. Kaso bigla na lang syang nagbago. Tapos sinabi nya na ayaw na nya. Ganun ganun na lang. Pagod na daw sya. May mahal na daw syang iba. Ginawa ko naman lahat ah. Pero bakit, bakit iniwan pa din niya ko. Anong kulang? Anong mali sakin? Anong nagawa ko para masaktan ng ganito?"

Yan ang common nating nasasabi after na iwan tayo ng taong mahal natin. Ang daming tanong sa isip natin. Mga tanong na gusto nating masagot. At isa na dun ay kung bakit nila tayo iniwan.

Kahit anong reason pa ibigay nila satin, kesyo pagod na, di na tayo mahal, may mahal ng iba, sawa na at kung anu anu pa, para sakin may dalawang sagot lang dyan sa tanong na yan. Una, kasi hindi kayo ang nakalaan para sa isa't isa at pangalawa, kasi hindi pa ito yung tamang panahon para sa inyong dalawa.

Unahin natin yung unang sagot. Yung di kayo ang nakalaan para sa isa't isa. Ito yung mahirap tanggapin kasi masakit pero wala naman tayong magagawa. Kahit anong pilit mo or nyo, pwede kasing pareho nyo talagang sinusubukan na maayos pa, pero di na talaga kaya. Kahit anung gawin nyo, kahit paulit ulit nyong ayusin, ending maghihiwalay pa din kayo. End na, tapos na. For me, naniniwala kasi ako na may inilalaan talagang isang tao para satin si Lord. Yung taong mamahalin tayo ng buong buo. Kasama na dun pati past, present, at future version ng pagkatao natin. Mga imperfections natin and previous mistakes, lahat yun tanggap nya. Yung taong hindi tayo iiwan. Kahit anong mangyari, kahit ganu man kahirap, pipiliin pa din nilang magstay satin. Yung taong enough tayo para sa kanila. Hindi sasabihin na napakademanding mo, napakaselosa/seloso mo, napakacontrolling mo, napaka isip bata mo, konting kibot issue, hindi ka sweet, puro ka pangarap at iba pang reklamo sa ugali natin. Instead, they will tell us that they understand why we act like that. Kasi sila yung perfect match na ireregalo satin ni Lord. So kung iniwan man tayo ng mahal natin ngayon or noon, meaning hindi pa sila yung nakalaan satin. Hintay lang tayo and pray para dumating yung perfect match natin.

Dun naman tayo sa pangalawa. Sa "hindi pa ito yung time para sa inyong dalawa". Pwede din kasi na kayo na pala talaga yung para sa isa't isa kaso hindi pa ito yung tamang panahon. Ito naman yung mahirap kasi aasa ka. Aasa sa wala pang kasiguraduhan.

"Pero diba kung kayo na para sa isa't isa di ka niya iiwan?"

Well tama naman. Naisahan mo ko dun ah. hahaha. Uhm maari kasing masyado pa kayong bata. Or pwede din naman na may mga bagay pa na dapat kayong gawin or maachieve. May mas dapat pa kayong iprioritize. Or baka di pa kayo ready pareho. Kailangan nyo pang mang improve ng hindi magkasama. Sinusubukan lang kayo ng panahon kung kaya nyong maghintay. Pero tandaan, like what I've said kanina, na may nakalaan talaga para satin. Kung siya man yun, darating ang panahon, magkikita kayo ulit, magkakausap, magtatawanan, babalikan mga nakaraan nyo, tapos di pa din pala talaga kayo. Hahaha charot lang.

Seryoso na. Kung kayo talaga ang perfect match, kahit ganu katagal paghihiwalay nyo, kahit sinong tao pa makilala nyo during that period, darating ang panahon na magkikita ulit kayo at this time di na kayo maghihiwalay kasi perfect na yung timing.

"Pero Z, panu namin malalaman kung alin dyan yung tamang sagot sa tanong namin?"

Well mga bes, walang nakakaalam nyan...sa ngayon. Ang kailangan lang natin gawin is magpray at magtiwala sa plan ni Lord para satin. (wink)




 
 
 

Recent Posts

See All
About Me

Hi guys! My name is Z and this is my first time to make a blog so please bear with me ^__^ This blog is all about hugot in life. hahaha....

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Twitter

©2019 by z answers. Proudly created with Wix.com

bottom of page