Is Having a Closure Necessary?
- zanswers902280
- Jul 5, 2019
- 2 min read

Question No. 5: Is Having a Closure Necessary?
For me hindi na. Kadalasan kasi we ask closure not because we really want to end our relationship with them but because we still hope that when we talk to them, for the last time, maybe we can still work it out. Totoo o totoong totoo? Real talk lang bes. Yun naman talaga reason bakit humingi tayo ng closure sa mga nang iwan satin. Umaasa tayo na baka pagnakita nila tayo, pagnakipag usap tayo, nag explain tayo, pinaalala lahat ng mga pinagdaanan together, kapag tinanong natin why they need to leave us, when we hug them, maybe they can remember that they still love us, when they see us miserable eh magbabago na isip nila. We think, that closure as our last chance to fix everything and we still hold on with that. Yes, there are times that it worked. May nagkakabalikan. Sila na pinagpala (bitter hahaha) So ang labas, what happened was not really a closure but a continuation. Kasi naayos nila. Kaso mga bes, hindi ganun yung common na nangyayari. Minsan mas lumalala pa. At kadalasan hindi sila pumapayag na makipagkita ulit to do that closure. Why? because they knew what will happen. That we, will just try to fix it. We will beg them to stay and they don't want that. Kaya nga sila nakipagbreak diba. Ayaw na nilang saktan pa tayo pagpumayag silang makipagkita just to say that it's really over.
Mahirap man tanggapin mga bes but the moment that they broke up with us, that's the closure already. Close na. Tapos na. Period. Hindi tatlong tuldok or comma lang. The end na. At may mga relasyon na kapag nakaclose na wag na natin ipilit na buksan pa. Kasi mas masasaktan lang tayo. Parang sugat lang yan mga bes, nilagyan na ng plaster or bandage (kasi bago pa nga lang) kaso binubuksan mo tapos kinakalikot mo pa. Pinipilit mo pa ipaalala sa kanya lahat ng nangyari. Sa tingin mo gagaling ka nun, magiging better kayo pareho. NO! Makukulitan lang sya sayo. Makakapagsalita lang sya ng masasakit na salita para lang tumigil ka na. Magkakasakitan lang kayo pareho.
Mahirap. Oo. Hindi lang mahirap. Sobrang hirap. Hindi madaling tanggapin na iniwan tayo ng taong mahal natin. At hindi masamang umasa baka na kaya pa nating ayusin. Masukista tayo eh, kahit masakit na, sige pa din. Kaya wag closure ang hingin mo kung yun lang din naman gagawin mo. CHANCE. Kasi yan talaga yung tamang term sa gusto mong mangyari. Yan ang hingin mo.
Comments