top of page

Naniniwala ka ba sa Love at First Sight?

  • zanswers902280
  • Jun 30, 2019
  • 1 min read

Updated: Jul 11, 2019


Question No. 3: Naniniwala ka ba sa Love at First Sight?

Z answer: NO!!!!!

Hindi ako naniniwala sa Love at first sight. For me, there's no such thing. Attracted at first sight, that's possible. You are just attracted by his/her physical appearance or the way she/he moves. But not falling in love. Napakalalim kasi na damdamin ng pagmamahal para maramdaman sa unang pagkikita. Ngumiti lang sayo mahal mo na agad? Nakita mo lang maganda/gwapo, mahal mo na? Natuwa ka lang sa kilos nya, mahal mo na? Anu yun? Kalokohan yun! Para masabi mong mahal mo ang isang tao, dapat lahat about sa kanya eh tanggap mo. Hindi mo sya kayang mawala sayo. Yung tipong kahit makita ka nyang walang make up or di nakaayos buhok, yung makakain ka wagas parang trabahador sa dami mo lumafang, kahit may tinga-tinga ka pa sa ngipin, tapos maririnig nya utot mong napakalakas na napakabaho pa, eh mahal ka pa din nya. At di mo yun malalaman sa unang pagkakataon na makita mo sya. Ang pagmamahal di yan basta basta binibigay. Kaya bes pagmay nagsabi sayo na nalove at first sight sya sayo, wag ka maniwala. Niloloko ka lang nun. Sabihin mo, baka attracted lang sya. wink


Comments


Post: Blog2_Post
  • Twitter

©2019 by z answers. Proudly created with Wix.com

bottom of page