top of page

Hanggang Kailan Ka Maghihintay sa Taong Mahal Mo?

  • zanswers902280
  • Jul 3, 2019
  • 3 min read

Question No. 4: Hanggang Kailan Ka Maghihintay sa Taong Mahal Mo?

Lahat naman siguro tayo naranasan na ang maghintay sa taong mahal natin. It's either maghintay na mahalin din tayo pabalik ng taong mahal natin or maghintay na bumalik yung taong mahal natin. Pero hanggang kelan nga ba tayo dapat maghintay? Hanggang kelan tayo dapat umasa na mamahalin din nila tayo or na bumalik sila satin? Para sakin, okay lang maghintay sa kanila, kahit ganu pa yan katagal. As long as WORTH IT PA YUNG PAIN na nararamdaman natin habang hinihintay sila. Kung worth it pa ba sila para sa mga luha na pumapatak sa mga unan natin sa bawat gabi na umiiyak tayo kakatanong sa sarili natin if babalik pa ba sila or darating pa ba yung panahon na mapansin din nila tayo, na mahalin din nila tayo? Kung worth it pa ba sila sa pagpupuyat natin kakahintay na magchat sila? Hanggang makatulog na lang tayo wala man lang tayong nareceive na chat from them. Kung worth it pa ba sila sa mga oras na nagugugol natin kakaisip, kakaalala sa mga masasayang panahon na kasama natin sila at sa kakaasa na darating din yung sinasabi nilang "sa tamang panahon, babalik yan sayo o mamahalin ka din nyan." Na sana mapansin man lang nila na sa mga oras na sobrang down sila, tayo yung nasa tabi nila para icheer up sila. Kung worth it pa ba sila sa sakit na nararamdaman natin tuwing nakikita natin silang masaya kasama ang iba? Baka kasi HINDI NA ang sagot sa lahat ng KUNG na yan.

Baka naman, pagpayat na lang nakukuha natin sa pag iiyak natin. (Yes po nakakapayat ang pag iyak. Napatunayan yan, hindi ng mga scientist, kundi ako lang. hahaha. Overweight ako dati, pero after 3 months na iniyakan ko sya, sexy na ateng nyo. Walang diet diet, wala din exercise. Iyak lang. hahaha). Baka naman naglalakihang eyebags na lang nakukuha natin kakapuyat para sa paghihintay ng chat nila. Buti sana kung nabibenta natin mga yan, kikita tayo. kaso hindi eh. Malapit na ngang maging eyebag na tinubuan ng mukha ang itsura natin. Tapos wala naman tayo napapala. Yung mga oras na sinayang natin sa kanila eh sana itinulog na lang natin o kaya naman iginala na lang natin. Nakapag ipon pa sana tayo ng memories. Happy memories hindi puro kaemohan na lang. Yung kakaasa natin dun sa sinasabi nilang "sa tamang panahon, babalik yan sayo o mamahalin ka din nyan" potek na yan baka hindi na darating kasi hindi naman pala talaga sila para sa atin. Yung sakit na nararamdaman natin tuwing nakikita natin silang masaya kasama ng iba sana pala sinira na lang natin araw nila. Anu yun sila masaya tapos tayo nagdurusa. Wala dapat masaya habang nasasaktan tayo (insert evil laugh hahahaha). Charot lang syempre. Yung mga panahon na yun sana itiningin na lang natin mga mata natin sa iba, baka sakaling may makita tayong magpapasaya satin.

Aminin man natin sa hindi, masakit maghintay at umasa sa taong wala namang kasiguraduhan kung darating pa. Sasabihin natin, kaya naman natin yung pain na yan. Part yan ng pagmamahal. Tama ka naman dun, kaso tanungin mo sarili mo kung worth pa ba sila sa pain na nararamdaman mo. Kung oo, sige, hintay lang hanggang sa mapagod ka or hanggang sa dumating sya. Malay naman natin diba?! (Ayiiieeehhh aasa na naman agad yan. Hahahaha.) Pero seriously, ikaw lang naman makakasagot nyan eh kasi ikaw lang nakakaalam if worth it pa ba silang hintayin.



Comments


Post: Blog2_Post
  • Twitter

©2019 by z answers. Proudly created with Wix.com

bottom of page