top of page

Totoo bang Love is Blind?

  • zanswers902280
  • Jun 28, 2019
  • 2 min read

Question No. 1

Totoo bang Love is Blind? Z answer: NO!!!! I don't believe that love is blind. Mas madami nga tayong nakikita pag inlove tayo eh. Nakikita natin yung mga magagandang katangian ng taong mahal natin na most of the time eh di napapansin ng ibang tao sa kanila. Mga bagay kung san talaga sila magaling. Yung mga hilig nila. Mga gusto at ayaw nila. Kung ano ang mga nagpapasaya sa kanila. Hanggang sa pinakamaliit na detalye tungkol sa kanila nakikita natin. Nalalaman natin. At dahil dun mas naappreciate natin sila. Yung mga panahon sa buhay nila sobrang down na nila. Na nasasaktan na sila, pero yung ibang tao di yun nakikita or di nilapinapakita sa iba, tayo nakikita natin yun. Because when we love someone we made them see who we really are. Our ups and downs, our imperfections, everything. We don't need to pretend kapag kasama natin sila. Pero bakit may nagsasabi na bulag daw ang pag ibig. Kasi yung mga mali sa kanila di natin nakikita. Minsan pati yung lantarang panloloko nila sabi ng iba di natin nakikita. Nagpapakatanga daw tayo. Bulag tayo. Well, for me hindi. Honestly nakikita din natin yun. Like what I've said kanina, kasama sa mga nakikita natin ay yung mga imperfections nila. Kasama na dun mga mali about sa kanila. But we look beyond that. Tanggap natin na kasama na sa pagmamahal natin sa isang tao ay yung pagtanggap sa mga kakulangan nila. Tsaka wala namang perpektong tao. Bakit ikaw perfect ka? Yung mga taong nagsasabing bulag ka sa pagmamahal sa taong mahal mo, perfect? HIndi diba. It's about acceptance.

Eh panu naman daw yung mga panloloko, lantaran man yan or pasimple, bulag daw tayo kasi di natin nakikita yun. Sows,nakikita natin yun. Naku lalo na mga babae. Lakas makapaghinala mga yan. So panu masasabing di nakikita? Nakikita natin, di lang natin pinagtutuunan ng pansin. Or kadalasan pagnakikita na natin na may ginagawa ng kalokohan yung taong mahal natin, pinagtatanggol natin sila sa sarili natin mismo. Sasabihin natin, "Di nya yun magagawa sakin." ,"Kaibigan lang nya yun." , "Busy lang talaga siguro kaya di nakakapagreply." , "Nag i ML lang yun, mababawasan ng star pag inabala ko. Magchachat din yun mamaya." At madami pang ibang rason na pinaniniwala natin sarili natin para majustify na di totoo yung hinala natin or yung nakikita nating kalokohan nila. Kasi pagnagmamahal tayo we don't easily give up kahit may nakikita na tayong mali. We keep on working it out because we don't want to end our relationship with them. We trust them. Or if malalalang panloloko na talaga like pambabae pagmag asawa na kayo, lalo na if may anak na kayo, we choose not to let go because we want to give our children a complete family. Madaming rason. And lahat ng rason na yun eh ikaw lang makakapagsabi kung tama pa ba, kaya ba or suko na. So next time na may magsasabi sayo na Love is Blind, barahin mo! Sabihin mo "Love can see everything including imperfections. Talo pa nga naka EO eh. But we look beyond that." wink

 
 
 

Recent Posts

See All
About Me

Hi guys! My name is Z and this is my first time to make a blog so please bear with me ^__^ This blog is all about hugot in life. hahaha....

 
 
 

Comentarios


Post: Blog2_Post
  • Twitter

©2019 by z answers. Proudly created with Wix.com

bottom of page