top of page

Pafall or Nag-Assume ka lang?

  • zanswers902280
  • Jun 28, 2019
  • 3 min read

Question No. 2: Pafall or Nag-Assume ka lang?

Yung everyday kayo magkachat. Mula umaga tapos madalas inaabot pa ng hating gabi. Minsan may pavideocall pa. Tapos may pa good morning, good night, Kumain ka na ba? Ingat ka palagi ah. Madalas nag-a-update pa ng mga ginagawa nya, kung nasan sya at may pagsend pa ng mga pictures. Alam nyo na lahat ng bagay tungkol sa isat-isa. Minsan nga may tawagan pa kayo eh, baby,babu, boss, at kung anu-anu pa. Diba sweet. Pero ending, friends lang kayo. Walang Kayo! Hahahaha. Sakit diba?! Iyak!

Tapos ayun inaway mo na. Sinabihan mong pa-FALL. Oppppssss. Wait lang! Pa-fall nga ba or nag-assume ka lang?

Yung araw-araw nyong magkatext or chat eh sadya lang talagang wala syang ginawa or di sya busy kaya nakakapagchat/text sya sayo. Or pwede ding masarap ka talagang kausap kaya nag-i-enjoy syang replyan ka. Kaso ang tanong ikaw lang ba? Baka marami kayo. Tapos ikaw naman assume ka kaagad na kaya kayo madalas na magkachat/text eh special ka na sa kanya. #marupok

Yung mga pagood morning, good night, kumain ka na? Wag papalipas ng gutom ah. Yung mga ganun nya eh natural na talaga sa kanya. Thoughtful lang talaga sya bes. Caring ba. Sweet friend ganun. Kaso ikaw naman, binigyan mo agad ng meaning. Kilig agad ganun. #rupok eh

Yung mga pag-update update nya sayo, malay mo ba kung ginagawa lang nya yun para may topic kayo. Pansinin mo kelan sya nag-a-update? Pag nauubusan na kayo ng topic. O pwede din naman na for safety purposes. Para kung anu man mangyari sa kanya, may nakakaalam kung nasan sya, anu ginagawa nya, sino kasama nya. Ganun bes, ginawa ka lang "in case of emergency, contact this person, he/she knows my whereabouts". Eh ikaw naman feeling gf/bf ka na kaya ka inaupdate. Assume pa more. Eh pwede din naman nanay diba. Nag a-update din tayo madalas sa mga nanay natin, bat di yun inassume mo na posisyon mo sa buhay nya?

Eh bakit may pasend pa ng selfies and kung anu anong pictures? Checker ka bes. Quality control ba. Pansin mo after isend sayo ipopost na nya yan sa FB, IG or myday nya. Tinitingnan lang nya kung approved sayo yung picture na sinend nya ibig sabihin maganda. Makakadami sya ng likes pagpinost nya. Kaso ang problema naglagay ka na naman ng ibang meaning. Assume ka ulit na special ka na sa kanya.

Bat may tawagan na kami? Malay ko sa inyo. Malay ko sa trip nyo pareho. Charot. Hahaha. Baka kasi napakahaba ng pangalan mo. O kaya naman para close na talaga kayo may tawagan na kayo. Ang tanong sino ba nagpasimula ng tawagan na yan? Baka ikaw pa tapos nahiya na lang yung tao kaya sinakyan na lang yang trip mong tawagan nyo. Tsaka uso na yan ngayon diba mga tawagan. Tayo nga meron din. Kanina pa kita tinatawag na bes diba hahahaha.

Bes sana bago ka nag-assume na special ka sa kanya or may something sa inyo, chineck mo muna kung nagsabi na ba sya sayo ng I love you. Ni baka nga I like you wala eh. Nafall ka lang. Pero hindi ka nya pinafall. #marupok ka kasi. Nagbibigay agad ng meaning sa mga simpleng bagay na pinapakita nya. Na sa kanya wala naman talaga yun. Madali na kasi talaga tayong madala sa mga simpleng bagay. Hindi tulad dati sa panahon ng mga nanay, tatay, lola at lola natin na kailangang ipagsibak ng kahoy o ipag igib ng tubig para lang mapaibig. May paharana pa sina lolo diba. Ngayon minention lang sa isang post ng song kinilig na. Hello napakadaling magtype ng name mo para mamention ka.

Madali tayong mag-assume kaya madali din tayo masaktan. Pagnag-assume na tayo kasunod na nun nag-i-expect na tayo sa kanila. And kadalasang dahilan ng pain na nararamdaman natin are from our own expectations. Tayo din gumagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin natin eh. Tapos iiyak iyak tayo maninisi ng iba. Hahahaha.

Sabi nga nila never assume unless stated. (di ko alam if yan nga talaga sabi nila. hahaha) Basta wag mag-assume hangga't walang sinasabi sayo. Or di nililinaw sayo. Pwede din naman magtanong para clear agad. Sabi nga wag mahihiyang magtanong. I remember I read a meme na where a guy asked the girl if kumain na ba sya, then the girl replied, tanong as a friend lang ba yan or landian na. Hahaha. Funny right?! But the girl did a right thing, nililinaw nya agad para di na sya mag-assume. Di sya masasaktan at the end. Ganun mga bes, ingatan natin mga puso natin. Wag gagawa ng ikasasakit. Bahala ka pagnasobrahan yan sa sakit di na yan makakaramdam. #manhid naman.


PS. pansin ko G ako dito hahaha, sorry na guys. :D

 
 
 

Recent Posts

See All
About Me

Hi guys! My name is Z and this is my first time to make a blog so please bear with me ^__^ This blog is all about hugot in life. hahaha....

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Twitter

©2019 by z answers. Proudly created with Wix.com

bottom of page